Laki ako sa baryo
Ako`y sadyang promdi
Promdi probins
At hindi nga prom da city
Sanay sa simple at mabagal na buhay
Magalang ang lalaki
Marunong magsilbi
* Takot ako sa buhay sa Maynila
Hilo ang ulo ko
Para akong trumpo
Ingat sa pagtawid sa kalsada
Jeepne`t taksi ay humaharurot
Ingat sa pagbaba
Baka mahulog
Pati pitaka ninyo`y madukot
Iba`t ibang lalaki
Ang nasa city
May playboy na pogi
Pero lima-limang steady
May makisig at seksi
Sayang may ses-mi
May gurang at parang lolo
Chedeng pa`ng kotse
(Repeat * )
Doon sa disco
Ay may nakilala
Galing pumorma
Tamis pa ng dila
Ang akala ko ay binata
Kasama niya pala ang sugar mommy niya
Ako`y babalik na
Sa aking mahal na probinsya
Hindi na baleng
Tawaging babaeng promdi
Di ipagpapalit
Buhay promdi
Mga tao`y simple living pero happy
Ang lalaking promdi ay sarap umibig
Maski walang atik hindi siya plastik!
(Repeat first 3 stanzas)
(Repeat last stanza 2x)