Bahala na, sabi ng karamihan,
ugali na hindi maiwasan
Sa gawain, maging sa pamumuhay,
hindi malimot ang wikang bahala na
Bahala na, kahit na sa pag-diga
ang binatang uhaw sa pagsinta
Pinipilit mabola ang dalaga, at kung
ang Oo`y makamit bahala na!
Ewan ko ba kung bakit nga ganyan, kahit na kailanman
Sa anumang iyong ginagawa, bahala na`y hindi nawawala
Bakit kaya, tayo`y ganyan, bukambibig bahala na?
Bahala na--sabi ng karamihan
Bahala na--ngayon at kailanman
Bahala na--hindi malilimutan,
bukambibig nating lahat araw-araw
Bahala na--anuman ang mangyari
Bahala na--handa nang magtiis
Bahala na--sa buhay at pag-ibig,
kahit ligaya o lumbay Bahala na!